MMDA may advisory sa mabigat na daloy ng trapiko sa NAIA

NAIA express
Inquirer photo

Nagdagdag na ng mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority sa paligid ng Sales Interchange sa Pasay City dahil sa napakabigat na daloy ng trapiko.

Nauna dito ay sinabi ng Department of Public Works and Highways (DSWD) na ngayong araw sisimulan ang pagdurugtong ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway Phase II project sa natapos na Phase I ng proyekto.

Kaninang umaga pa lamang ay usad pagong na ang daloy ng mga sasakyan na papuntang NAIA sa bukana pa lamang ng Villamor Airbase.

Sa kanilang advisory, sinabi ng MMDA na binuksan bilang alternate route ang 10th at 14th Streets para mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa Sales Interchange at Andrew Ave.

Kapag natapos ang 7.15Kilometers road link ay magiging maluwag na ang daloy ng trapiko na magdudugtong sa NAIA, Skyway at Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

Sinabi ng DPWH na nagkakahalaga ng P15.8Billion ang nasabing proyekto.

Read more...