Trump sinabing may ebidensya na magpapatunay na galing ang COVID-19 sa isang laboratoryo sa Wuhan

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2020 - 10:45 AM

Mayroong ebidensya na nagpapakitang galing sa isang laboratoryo sa Wuhan City ang virus na nagdulot ng paglaganap ng COVID-19.

Pahayag ito ni US President Donald Trump kasabay ng pagbabanta na magpapatupad ito ng bagong taripa laban sa China.

Ayon kay Trump mayroon siyang ebindesya na magpapatunay na ang outbreak ay galing sa Wuhan Institute of Virology.

Tinawag ni Trump na “very powerful” ang kanilang natuklasan sa totoong pangyayari.

Sinabi ni Trump na iniimbestigahan na ngayon ng mga ahensya sa US kung ano ang pinagmulan ng virus at kung ano ang ginawa ng China para maawat ang paglaganap nito sa iba pang mga bansa.

 

 

TAGS: coronavirus, donald trump, Wuhan City, wuhan laboratory, coronavirus, donald trump, Wuhan City, wuhan laboratory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.