Coast Guard mayroong 52 bagong med tech na tutulong sa operasyon ng quarantine ships

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2020 - 08:19 AM

Limampu’t dalawang registered medical technologists ang nanumpa na sa tungkulin para magtrabaho sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ang mga bagong medical workers ay pawang may ranggong ‘probationary ensign’.

Sila ay agarang i-de-deploy sa One-Stop Shop sa NAIA Terminal 1 at 2, gayundin sa quarantine ships at COVID-19 treatment facility sa Pier 15, Port Area, Manila.

Hamon ni Coast Guard Commandant, Admiral Joel Garcia sa mga bagong miyembro ay mag-serbisyo na buo sa bansa.

 

 

 

TAGS: coast guard, COVID-19, med tech, quarantine ships, coast guard, COVID-19, med tech, quarantine ships

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.