Presyo ng LPG tumaas ng mahigit P60 kada tangke

Tumaas ng mahigit P60 ang presyo ng kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Sa abiso ng Petron epektibo alas 12:01 ng madaling araw ang dagdag na P5.80 sa kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P63.80 na pagtaas sa kada 11-kilogram na tangke.

Ang AutoLPG ng Petron ay tumaas din ng P3.25 kada litro.

Pareho din ang halaga ng ipinatupad na pagtaas ng Phoenix sa kanilang LPG at AutoLPG.

Ang kumpanyang Solane naman ay may pagtaas na P5.19 sa kada kilo ng LPG o P57.09 kada 11-kilogram na tangke epektibo alas 6:00 ng umaga.

 

 

 

Read more...