Ayon ay San Juan City Mayor Francis Zamora, nananatiling 35 ang bilang ng nasawi sa lungsod dahil sa COVID-19.
Sa magdamag ay isa lang ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa San Juan.
Sa ngayon ang San Juan ay mayroong 238 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 48 ang naka-recover na.
Nagpapatuloy naman ang mass testing sa lungsod kaya ayon kay Zamora maari pang madagdagan ang mga kumpirmadong kaso.
MOST READ
LATEST STORIES