42 pang OFWs nakabalik na sa bansa

Mahigit 40 pang Overseas Filipino Workers OFWs) ang nakabalik na sa bansa.

Dalawampu’t lima sa kanila ay pawang Filipino seafarers galing France.

Sila ay pawang crew ng MSC Magnifica.

Habang ang 16 ay pawang distressed OFWs mula sa Qatar.

Mayroon ding isang OFW galing ng Pakistan ang dumating.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabuuan ay 16,688 na seafarers na at 7,022 na land based OFWs ang napauwi sa bansa mula noong February 2020 dahil sa epekto ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

 

 

Read more...