Southern Leyte dalawang beses niyanig ng magkasunod na lindol
Dalawang beses niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Southern Leyte.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa 10 kilometers Southeast ng bayan ng Silago at may lalim na 1 kilometer, alas-9:06 gabi ng Huwebes (April 30).
Samantala, naitala naman ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 13 kilometers Northeast ng bayan ng Hinundayan, alas-9:10 ng gabi at may lalim naman na 12 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.