Norwegian, live-in partner huli sa cybersex; 3 nailigtas

PNP CIDG PHOTO

Inaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang isang Norwegian citizen at ang Filipina live-in partner nito sa pagsalakay sa isang cybersex den sa Dumaguete City.

Sina Ronny Bratlistuen, 42-anyos, at Jesebelle Cometa, 22-anyos, ay inaresto nang salakayin ang inuupahan nilang bahay sa Barangay Candau-ay.

Nailigtas naman ang tatlong babae at isang apat na taon gulang na babaeng anak ng isa sa kanila.

Nakuha sa bahay ang anim na laptop, 24 piraso ng sex toys, isang desktop computer at ilang passports.

Ikinasa ang operasyon base sa impormasyon mula sa isa sa mga nailigtas na babae.

Inamin naman ng tatlo na ang matinding pangangailangan sa pera ang dahilan kayat pumapayag sila sa ‘cybersex.’

Mahaharap naman ang banyaga at kinakasama nito sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Read more...