Trough ng LPA, nakakaapekto na sa Silangang bahagi ng Mindanao – PAGASA
Patuloy na nakakaranas ng pag-ulan ang ilang residente sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin De La Cruz, epekto ito ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ sa Katimugang bahagi ng bansa.
Bandang 3:00, Huwebes ng hapon (April 30), huli aniyang namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa layong 495 kilometers East Southeast ng Davao City.
Ani De La Cruz, nakakaapekto na ang trough ng LPA sa Silangang bahagi ng Mindanao at nagdudulot ng pag-ulan.
Batay sa huling analysis, maari aniyang lumapit sa kalupaan ang sama ng panahon partikular sa Mindanao at ilang parte ng Visayas.
Asahan na aniyang magdudulot ito ng pag-ulan sa darating na weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.