Singapore, nakapagtala ng dagdag na 528 COVID-19 cases
By Angellic Jordan April 30, 2020 - 03:21 PM
Mahigit 500 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 528 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (April 30).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
Sa nasabing bilang, sinabi ng Ministry of Health na anim ay Singaporean o permanent residents.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.