Murang Kuryente Act mapakikinabangan na ng consumers – Sen. Gatchalian

By Jan Escosio April 30, 2020 - 12:58 PM

Tinatayang aabot sa pinakamababa ng P172 ang matatapyas sa bayarin sa kuryente ng mga konsyumer bunga nang ganap na pagpapatupad ng Murang Kuryente Act.

Aniya inilabas na ng Department of Finance at Department of Energy ang implementing rules and regulations (IRR) para sa naturang batas.

Sinabi ni Gatchalian hindi na magbabayad ng karagdagang P0.86 per kilowatt hour para sa Universal Charges for Stranded Contract Costs (UCSCC) and Stranded Debts (UCSD) ang mga konsyumer.

Kaya’t ang mga nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakatipid ng P172 o P2,064 kada taon.

Malaking tulong na ito sa mga konsyumer na inaasahan na ang naipon na bayarin sa kuryente dahil sa sitwasyon dala ng COVID 19.

Ang UCSCC at UCSD ay dahil sa utang ng Napocor na ipinapasa sa mga konsyumer.

 

TAGS: DOE, Inquirer News, IRR, Murang Kuryente Act, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DOE, Inquirer News, IRR, Murang Kuryente Act, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.