Bacolod City kasama na sa isasailalim sa ECQ hanggang May 15 – Roque
Isinama na ng Inter Agency Task Force ang Bacolod City sa sasakupin ng pag-iral ng Ehanced Community Quarantine.
Simula bukas May 1 hanggang sa May 15, 2020 ay kasama na ang Bacolod City sa sakop ng ECQ.
Ito ay matapos na hilingin ng City Government ng Bacolod sa IATF na hayaang palawigin ang ECQ sa lungsod hanggang May 15.
Ayon kay Bacoloc City Vice Mayor El Cid Familiaran, sentro ng negosyo sa Negros Occidental ang Bacolod City kaya nangangamba silang biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 kapag General Community Quarantine na lang ang iiral sa lungsod.
Ang Bacolod City ay mayroong 9 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 pero may 150 pang swab test results na hinihintay.
Narito ang mga lugar na sasailalim pa rin sa ECQ hanggang May 15:
NCR
Central Luzon (maliban sa Aurora)
Calabarzon
Pangasinan
Benguet
Iloilo
Cebu
Bacolod City
Davao City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.