BREAKING: Bahagi ng pader ng isang gusali sa Makati gumuho; 2 sugatan

Gumuho ang bahagi ng pader ng isang gusali sa Makati City.

Ayon sa Makati Traffic, nangyari ang pagguho bago mag alas 11:00 ng umaga.

Kinordonan na ang paligid ng pinagbagsakan ng bahagi ng naturang commercial-residential condominium.

Kabilang sa kinordonan ang bahagi ng Nicanor Garcia Street.

Base inisyal na impormasyon, ang gumuho ay bahagi ng balcony ng isa sa mga unit sa gusali.

Pinalikas muna ang lahat ng nasa loob ng gusali para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Mayroon namang tatlong sasakyan na nabagsakan ng mga debris.

PHOTO CREDIT: SMDC/FACEBOOK

Nakapagtala din ng dalawang nasugatan.
Samantala, batay sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng SMDC, nag-collapse ang outer slab ng driveway sa parking area ng Jazz Mall.

Wala namang malubhang nasugatan sa insidente habang ang mga residente ay kanilang pinalikas.

Nagsasagawa na rin anila ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

 

 

Read more...