Pagbabawal sa mga senior na lumabas ng bahay ipinarerekonsidera sa IATF

By Erwin Aguilon April 30, 2020 - 11:56 AM

Ipinarerekonsidera ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbabawal sa mga senior citizens sa paglabas sa kanikanilang bahay.

Ayon kay Rodriquez, marami ring mga nakatatanda ang physically fit pang magtrabaho.

Inihalimbawa nito ang mga senior citizens na top executives sa iba’t ibang industriya at mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Rodriguez na marami siyang natatanggap na reklamo sa pagbabawal sa mga senior citizens na makalabas ng bahay bilang bahagi ng umiiral na quarantine protocols.

Iginigiit aniya ng mga ito ang kanilang karapatan para bumiyahe at ang equal protection clause ng Saligang Batas.

Mas delikado pa nga aniya para sa kanilang physical at mental health ang manatili lamang sa loob ng kanilang bahay, lalo na sa mga walang kasama sa bahay.

 

 

 

TAGS: IATF, rufus rodriguez, senior citizen, IATF, rufus rodriguez, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.