Ayon kay Villanueva, matatapos na ngayon araw ang unang yugto ng enhanced community quarantine pero nasa 32% pa lamang ng subsidies ang naipapamahagi sa mga benepisyaryo base sa nilalaman ng pinakahuling report ni Pangulong Duterte sa Kongreso.
Iginiit ng kongresista na speed o bilis ang rule of the game sa anumang krisis at pandemic situation dahil nagugutom ang mga tao.
Kaya naman dapat anyang magdoble o tripleng pagsisikap ang pamahalaan at gumawa ng mga paraan para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.
Base sa pang-limang report ni Pang. Duterte sa Joint Congressional Oversight Committee noong Lunes,nasa halos 100 bilyong piso na ang nai-release ng national government para pondohan ang cash subsidies.
Gayunman, nasa mahigit P31 billion pa lamang o 32 percent ng kabuuang budget ang natanggap na ng mga benepisyaryo kung saan ang may pinakamalaking backlog ay ang distribution ng P5,000-P8,000 na subsidies.