Pamimigay ng tulong ng pamahalaan pinabibilisan

By Erwin Aguilon April 30, 2020 - 11:46 AM

Pinagdo-doble kayod ni Deputy Speaker at CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang gobyerno sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) funds sa 18 milyong pamilya ngayong panahon ng quarantine.

Ayon kay Villanueva, matatapos na ngayon araw ang unang yugto ng enhanced community quarantine pero nasa 32% pa lamang ng subsidies ang naipapamahagi sa mga benepisyaryo base sa nilalaman ng pinakahuling report ni Pangulong Duterte sa Kongreso.

Iginiit ng kongresista na speed o bilis ang rule of the game sa anumang krisis at pandemic situation dahil nagugutom ang mga tao.

Kaya naman dapat anyang magdoble o tripleng pagsisikap ang pamahalaan at gumawa ng mga paraan para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.

Base sa pang-limang report ni Pang. Duterte sa Joint Congressional Oversight Committee noong Lunes,nasa halos 100 bilyong piso na ang nai-release ng national government para pondohan ang cash subsidies.

Gayunman, nasa mahigit P31 billion pa lamang o 32 percent ng kabuuang budget ang natanggap na ng mga benepisyaryo kung saan ang may pinakamalaking backlog ay ang distribution ng P5,000-P8,000 na subsidies.

 

 

 

 

TAGS: dswd, sap, dswd, sap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.