Balik Probinsya Program, top priority na ngayon ng pamahalaan

By Chona Yu April 30, 2020 - 11:34 AM

Photo grab from PCOO Facebook video

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan para maipatupad ang balik probinsya program.

Ito ang panukala ni senador bong go na nag aalok ng tulong sa mga pamilyang filipino na nagnanais na umuwi na sa kani kanilang mga probinsya sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, top priority at long term projecy na ito ngayon ng pamahalaan.

Ayon kay Roque, naghahanap na ngayon ang pamahalaan ng mga pamamaraan para makauwi na sa probinsya ang mga nagnanais na makauwi alinsunod na rin sa itinatakdang quarantine requirements.

“So iyong mga gusto po na bumalik na ngayon, we’re finding ways and means subject to the quarantine requirements. But the long term program will be threshed out, but that’s now become a top priority. So huwag po kayong mag-alala, it is forthcoming,” ani Roque

Sa panukala ni Go, hindi lamang ang libreng pagpapuwi ang iaalok ng pamahalaan kundi ang pagtitiyak na magiging kaaya aya ang mga probinsya para sa mga bagong negosyong ipapatayo ng mga mamumuhunan.

Sa ganitong paraan kasi, hindi nanluluwas ng maynila o sa mga malalaking siyudad ang mga manggagawa para makahanap ng trabaho.

 

 

 

TAGS: balik probinsya, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Harry Roque, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, balik probinsya, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Harry Roque, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.