70 dayuhan sa bansa nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 11:28 AM

Umabot sa 70 ang kabuuang bilang ng mga dayuhan na nagpositibo sa COVID-19 habang sila ay nasa bansa.

Base ito sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa press briefing sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na wala pa silang datos sa ngayon kung ilan sa mga dayuhan ang naka-recover o pumanaw.

“Meron na po tayong 70 na foreign nationals na nagtest positive dito sa Pilipinas. As to the number of those who have recovered and died, we are just getting the information now kasi kulang ang datos na meron po tayo ngayon,” ayon kay Vergeire.

Sa 70 dayuhan na nagpositibo sa COVID-19, 24 ang Chinese nationals habang ang iba pa ay mula sa ibang mga bansa.

 

 

 

TAGS: 70 foreign nationals, covid pandemic, covid patients, covid positive, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 70 foreign nationals, covid pandemic, covid patients, covid positive, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.