35 pa naarestong lumabag sa ECQ sa Navotas

Nakapagtala pa ng 35 katao na nadakip sa Navotas City dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine.

Sa nasabing bilang, 15 ang nasa tamang edad at sasampahan ng kaso, habang 20 naman ang menor de edad.

Ang 15 nasa wastong gulang ay agad sasampahan ng kaso.

Simula nang ipatupad ang ECQ umabot na sa 1,195 adult ang naaresto dahil sa paglabag.

Habang 560 naman na menor de edad ang nadakip.

 

 

 

Read more...