16-day old na sanggol gumaling sa COVID-19
Gumaling sa sakit na COVID-19 ang isang 16-day old na sanggol.
Ang naturang sanggol ang maituturing na “youngest COVID-19 patient” na naka-recover sa sakit.
Ayon sa Department of Health (DOH) matapos ma-confine ng 11 araw sa National Children’s Hospital ay ligtas na ang baby.
“Meet BABY SURVIVOR, a 16-day old baby who conquered COVID-19! Our frontliners at the National Children’s Hospital tirelessly took care of the neonate for 11 days and successfully nursed him back to health!,” ayon sa DOH
Pinasalamatan ng DOH ang healthcare team mula sa naturang ospital sa pag-aaruga sa sanggol.
Ang sanggol ay nai-turn over na sa kaniyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.