38 patay sa sunog sa isang warehouse sa South Korea

Umabot sa 38 ang nasawi sa sunog na naganap sa isang warehouse sa Incheon, South Korea.

Tinupok ng apoy ang apat na palapag na gusali na ginagawa pa lamang.

Maliban sa mga nasawi ay mayroon pang 10 na nasugatan sa sunog.

Walo sa kanila ay kritikal ang kindsyon.

Karamihan sa mga nasawi sa sunog ay pawang construction workers sa ginagawang gusali.

Gumamit na ng excavators ang mga bumbero para masiguro na wala nang bangkay na naiwan sa natupok na pasilidad.

 

 

 

Read more...