Senior citizens na nagtatrabaho pwede nang lumabas ng bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ – DILG

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 10:09 AM

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pwede nang makalabas ng kanilang bahay ang mga may trabahong senior citizen sa mga lugar na nasa ilalim na lamang ng General Community Quarantine.

Maliban sa mga senior citizen na nagtatrabaho ay pwede ring lumabas ng bahay ang mga senior citizen na walang ibang kasama sa kanilang tahanan.

Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año may mga malalaking kumpanya na ang kanilang executives ay senior citizen na.

Sa mga lugar na nasa GCQ ang mga senior citizen na ito ay pwede na aniyang bumalik sa trabaho.

Kung ang senior citizen sa GCQ areas naman ay nag-iisa sa bahay at walang kasamang nakababata, maari silang makalabas ng bahay para bumili ng makakain at iba pang mahalagang kailangan

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, enhanced community quarantine, GCQ, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senior citizen, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, enhanced community quarantine, GCQ, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senior citizen, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.