Aktor na si Tom Hanks nag-donate ng blood plasma matapos gumaling sa COVID-19

Matapos siyang maka-recover sa COVID-19 ay nag-donate ng blood plasma ang aktor at filmmaker na si Tom Hanks.

Sa kaniyang social media account, ibinahagi ni Tom Hanks ang larawan ng kaniyang pagbibigay ng blood plasma.

Si Hanks at kaniyang asawa na si Rita ay kapwa nagpositibo sa COVID-19.

Sila ay nasa Australia noon nang tamaan ng sakit.

Nag-confine ang mag-asawa sa Gold Coast University Hospital.

Matapos gumaling ay nakauwi na sa kanilang tahanan sa US ang mag-asawa.

 

 

 

 

Read more...