UK naungusan na ang France at Spain sa dami ng bilang ng nasawi sa COVID-19

Ang United Kingdom na ang ikatlong bansa sa mundo na nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Ang UK ay mayroon nang 26,097 COVID-19 related deaths.

Sa magdamag ay nakapagtala ito ng 765 na bilang ng nasawi.

Ang UK ay sumusunod sa US at Italy sa may pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Ang US ay mayroong mahigit 61,600 na COVID-19 deaths habang mahigit 27,600 naman sa Italy.

Pang-apat naman ang Spain sa mga bansang may pinamaraming bilang ng nasawi na mayroong mahigit 24,200.

Sumusunod ang France na mayroong mahigit 24,000 deaths.

 

 

 

 

Read more...