BREAKING: Anim patay sa sunog sa Tondo

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 08:54 AM

Anim ang nasawi sa sunog na tumagal lang ng mahigit isang oras sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Chairman Tony Asilo ng Barangay 91, Zone 8 kabilang sa nasawi ang magkapatid na menor de edad at apat iba pa.

Nabatid na umalis para mamalengke ang nanay ng magkapatid at naiwan sila sa kanilang nasunog na bahay.

Kinumpirma din ng Manila Fire Bureau na 6 ang nasawi sa sunog, isa ang nasugatan, 8 bahay ang natupok at 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Kinilala ang mga nasawi na sina:

1. Nathalie Nicole Sorbito,17 anyos
2. Shane Bernadette Sorbito,16 anyos
3. Elizabeth Mendoza, 48 anyos
4. Janet Rosales, 49 anyos
5. Eugenio Pacia, 48 anyos
6. Remedios Pacia, 70 anyos

Tinatayang aabot sa P150,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

 

 

 

 

TAGS: 5 dead, fire incident, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo, 5 dead, fire incident, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.