Ospital ng Malabon isasailalim sa disinfection; 4 na health workers nagpositibo sa COVID-19
Pansamantalang hindi na muna tatanggap ng non-covid cases ang Ospital ng Malabon.
Isasailalim sa disinfection ang pagamutan ngayong araw.
Ito ay matapos na apat na health workers ng ospital ang magpositibo sa COVID-19
Ayon kay Malabon City Mayor Lenlen Oreta, nagsasagawa na rin sila ng contact tracing at testing sa iba pang mga health worker.
Mananatili namang bukas ang emergency room, laboratory at radiologic section ng pagamutan.
Inaasahang sa May 7, 2020 ay magre-resume ang full operations ng ospital kapag hindi na nadagdagan ang bilang ng health workers na apektado ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.