Sunog sumiklab sa residential area sa Tondo

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Tondo Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 6:30 ng umaga sa bahagi ng Tioco Street kanto ng sa Herbosa Street.

Itinaas ito sa 1st alarm alas 6:40 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng pagsiklab ng apoy.

Alas 7:15 ng umaga nang maideklarang under control na ang sunog.

Dalawang bata naman ang iniulat na nawawala ng kanilang ina at pinaghahanap na sila ng mga otoridad.

 

 

 

 

Read more...