18 kaso ng COVID-19 naitala sa isa pang bilangguan sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 07:12 AM

Isa pang bilangguan sa Cebu ang nakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19.

Labingwalong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Ayon kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, isang 44 anyos na preso ang pumanaw dahil sa sakit araw ng Miyerkules, Apr. 29.

Ani Garcia ang mga nagpositibong preso ay naisailalim na sa isolation bago pa lumabas ang resulta ng ginawang pagsusuri sa kanila.

Ang Cebu City Jail naman ay mayroon nang 212 na COVID-19 cases.

Habang isang jail guard sa Lapu-Lapu City Jail at isa pang preso sa Mandaue City Jail ang nagpositibo din sa sakit.

 

 

 

 

TAGS: cebu, cebu jail, Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cebu, cebu jail, Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.