GSIS pension para sa buwan ng May matatanggap ng mas maaga

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 06:52 AM

Mas maagang matatanggap ng pensioners ng GSIS ang kanilang pensyon para sa buwan ng Mayo.

Sa May 5 ay available na ang pensyon ng 511,000 na retirees at pensioners ng GSIS na tatlong araw na mas maaga kaysa orihinal na schedule ng release ng pensyon.

Ayon kay GSIS General Manager Rolando Macasaet, ngayon umiiral ang enhanced community quarantine, umabot sa mahigit 400,000 na miyebro nila ang naghain ng aplikasyon online para sa loan.

Nakapag-release na ng P4 billion na halaga ng loan ang GSIS sa kanilang mga miyembro.

 

 

 

 

TAGS: GSIS, GSIS loan, GSIS Pension, GSIS, GSIS loan, GSIS Pension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.