48 OFWs nakatapos na ng mandatory quarantine sa nakadaong na barko sa Pier 15

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 06:39 AM

Mayroon nang 48 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakatapos na ng kanilang 14 na araw na mandatory quarantine sa barkong nakadaong sa Pier 15.

Sa nasabing bilang, 17 ang nakauwi na sa kanilang pamilya kahapon, April 29.

Ito ay matapos na maisyuhan na sila ng quarantine clearance.

Ang iba pang nakatapos ng quarantine ay sasailalim sa Rapid Test sa COVID-19 bago maisyuhan ng clearance para makauwi.

Magbibigay naman ang coast guard ng libreng transportation service sa mga ‘cleared’ overseas Filipinos na kinakailangan ng tulong para makauwi sa kanilang bahay.

 

 

 

TAGS: OFWs, quarantine clearance, quarantine ship, OFWs, quarantine clearance, quarantine ship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.