Mahigit 25,000 pamilya sa Quezon City tumanggap na ng cash assistance sa ilalim ng SAP ng DSWD

Umabot na sa 25,215 na pamilya sa Quezon City ang nakataggap ng P8,000 cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang DSWD ay naglaan ng mahigit 377,800 na SAC forms para sa Quezon City.

Ngayong araw naka-schedule ang pay-out para sa mga Brgy. Obrero, Pasong Tamo, Unang Sigaw, West Kamias at Blue Ridge B.

Ang mga kwalipikadong pamilya pero hindi napasama sa SAP ng DSWD ay tatanggap ng P4,000 na tulong mula sa lokal na pamahalaan.

 

 

Read more...