WATCH: Resolusyon para pagbayarin ang China sa paninira sa West Philippine Sea

Nais pagbayarin ni Senadora Risa Hontiveros ang gobyerno ng China dahil sa pagkasira ng yamang-dagat sa West Philippine Sea.

Sa inihaing Senate Resolution no. 369, gusto ng senador na pagbayarin ang China ng higit P200 bilyon bunsod ng pagkasira ng marine ecosystem sa pinag-aagawang teritoryo.

Nagbunga aniya ang pagkasira dahil sa ilegal na reclamation project at pangingisda ng China.

May report si Jan Escosio:

Read more...