Nakuhang swab sample sa Makati City, umabot na sa 1,367

By Angellic Jordan April 29, 2020 - 11:38 PM

Umabot na sa 1,367 katao na ang sumailalim sa pagsusuri para sa COVID-19.

Sa datos ng Makati Health Department at Ospital ng Makati hanggang April 29, kabilang dito ang frontliners, health workers, probable patients, at persons under monitoring.

Ayon kay Mayor Abby Binay, libreng isinasagawa ang mass testing sa frontliners at may sintomas ng COVID-19 para matukoy, maibukod, at magamot ang mga may sakit.

Mahalaga aniyang masuri ang frontliners dahil mayroon silang direktang ugnayan sa mga pasyente.

Dagdag pa nito, importante ring maging malusog at ligtas sa COVID-19.

TAGS: COVID-19 cases in Makati, Inquirer News, Mayor Abby Binay, Radyo Inquirer news, swab samples in Makati, COVID-19 cases in Makati, Inquirer News, Mayor Abby Binay, Radyo Inquirer news, swab samples in Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.