COVID-cases sa Maynila, 669; 10 ang nadagdag

By Angellic Jordan April 29, 2020 - 11:00 PM

Nakapagtala ng panibagong 10 kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 29), 669 na ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod kung saan 518 ang aktibong kaso.

Batay sa tala, pinakamarami pa ring naitatalang kaso sa Sampaloc na may 106.

33 naman ang ikinokonsidera bilang suspect case kung kayat ang kabuuang bilang nito ay umabot na sa 975.

Nananatili pa rin sa isa ang probable case.

Isa naman ang nadagdag na bagong gumaling sa COVID-19 sa Maynila.

Dahil dito, 90 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa lungsod.

TAGS: COVID-19 cases in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.