Nadagdagan ng limang kaso ng COVID-19 sa Laguna.
Batay sa huling datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 8:00, Miyerkules ng gabi (April 29), umabot na sa 282 ang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.
138 ang naka-confine pa sa mga ospital at 57 ang nakasailalim sa home quarantine o nananatili sa isolation facility.
66 ang napaulat na probable cases habang 943 ang suspected cases.
Pinakamarami pa ring tinamaan ng COVID-19 pandemic sa San Pedro na may 48 cases.
Narito naman ang datos sa ibang lugar sa Laguna:
– Los Baños – 35
– Calamba – 30
– Biñan – 30
– Sta. Rosa – 26
– Sta. Cruz – 19
– San Pablo – 15
– Cabuyao – 14
– Pila – 8
– Calauan – 6
– Liliw – 6
– Lumban – 6
– Victoria – 6
– Bay – 5
– Pagsanjan – 5
– Majayjay – 4
– Nagcarlan – 4
– Alaminos – 3
– Kalayaan – 3
– Cavinti – 2
– Paete – 2
– Pakil – 2
– Famy – 1
– Mabitac – 1
– Rizal – 1
Samantala, nasa 59 residente sa lalawigan ang naka-recover sa COVID-19 at 28 naman ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.