Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 93 na

Tumaas pa nang apat ang bilang ng pulis na kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (April 29) nasa 93 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa hanay ng pambansang pulisya.

Kabuuang 376 na PNP personnel naman ang suspected cases habang 207 ang probable cases.

Nananatili naman sa 13 ang pulis na naka-recover sa COVID-19 pandemic at tatlo ang pumanaw.

Read more...