Healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, 1,552 na – DOH
Nadagdagan pa ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang April 28, umabot na sa 1,552 ang medical workers na apektado ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 571 ay nurse habang 548 naman ay physician o doktor.
Narito naman ang naitalang kaso sa iba pang health worker:
– Nursing assistant – 97
– Medical Technologist – 60
– Radiologic Technologist – 30
– Respiratory Therapist
– Midwives – 17
– Pharmacists – 11
Sinabi pa ni Vergeire na mayroon pang 200 na iba pang health workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang barangay health workers, administrative aids, utility workers at iba pa.
Samantala, sinabi pa ni Vergeire na 32 ang nasawi dahil sa nakakahawang sakit kabilang ang 24 doktor at pitong nurse.
232 naman aniya ang naka-recover na health worker sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.