Pena vs “ghost employees” ng Makati City Hall

July 04, 2015 - 06:44 PM

11715162_10203321996290043_565634194_o
Kuha ni Lawrence Manansan

Desidido si acting Makati Mayor Kid Peña na linisin ang Makati City Hall sa mga ghost employee.

Kaugnay ito ng umano’y mga empleyado ng Makati na hindi pumapasok sa trabaho pero kumukubra ng sahod kada pay day.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa programang Warrior Angel ni Brenda Arcangel, sinabi ni Peña na humingi na siya sa personnel department ng aktuwal ba bilang ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod.

Aniya inaasahan niyang matatanggap ang nasabing report sa susunod na linggo at pagdating nito ay aalamin niya ang katotohanan sa isyu ng ghost employees sa lungsod.

Tiniyak naman ni Peña sa mga empleyado na ito ay normal na proseso at bahagi ng obligasyon niya kasunod ng suspensyon ni Makati Mayor Junjun Binay.

Kung may matagpuan silang ganoong kaso, agad nila itong ipapalaam sa mga kinauukulan.

“Siguro kung ganung may pagkakataon, idudulog lang namin sa DILG at siyempre ipapakita namin sa kinauukulan at kami naman sa City government bagamat ako ay hindi entitled na mag-alis pero sa ganyang pagkakataon, tingin ko dapat silang matanggal,” dagdag pa ni Peña.

Samantala para mawala na ang kontrobersiya, plano ni Peña na bilhin na lang mula sa mga lehitimong bakeshop ang mga ipinamimigay na cake ng Makati City.

“Sinisikap po naming makipag-usap para ang amin pong cake sa susunod na panahon ay hindi po yung ginawa na cake lamang basta-basta, kami po talagang pupunta sa red ribbon at goldilocks,” sinabi ni Peña.

Ang kontrobersiyal na cake ang ipinamimigay ng pamahalaang Makati sa mga senior citizen sa kanilang kaarawan.

Isa ito sa isiniwalat na anomalyang kinasasangkutan ng mga Binay dahil lumabas sa imbestigasyon ng senado na overpriced din ang binibiling cake.

Una nang nilinaw ni Makati City Administrator Eleno Mendoza na base sa purchase order para sa mga cake, nabili lamang ito ng City government sa halagang P306.75 bawat isa.

Pero ayon sa abogadong si Renato Bondal, pinalalabas ng Makati government na binibili nila ito sa halagang isang libong piso./ Alvin Barcelona

TAGS: makati ghost employees, Radyo Inquirer, makati ghost employees, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.