Restrictions sa senior citizens pinaluluwagan ng ilang kongresista

By Erwin Aguilon April 29, 2020 - 04:59 PM

Pinare-rekonsidera nina House Committee on Labor and Employment Chairman Eric Pineda at House Committee on Senior Citizen’s Affairs Chairman Francisco Datol ang pagbabawal sa mga nakatatanda na lumabas ng bahay sa ilalim ng General and Enhanced Community Quarantine.

Katuwiran nina Pineda at Datol, marami sa mga senior citizen ay malalakas pa naman at kayang magtrabaho o aktibo sa negosyo.

Hindi anila kailangang lubusan silang pagbawalan na lumabas dahil lamang sa kanilang edad.

Giit ni Datol, marunong namang sumunod ang mga lolo’t lola sa social distancing.

Hindi aniya dapat ikulong ang mga ito sa bahay lalo na iyong mga nag-iisa na lamang sa buhay dahil mas lalong makasasama ito sa kanilang kalusugan.

Sa inilabas na guidelines ng gobyerno para sa Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine, bawal ang senior citizens na lumabas ng bahay.

Sa panig ni Pineda, dapat meron aniyang exemptions para sa seniors na wala namang delikadong kondisyon.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Pineda, Rep. Francisco Datol, senior citizensa ECQ at GCQ, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Pineda, Rep. Francisco Datol, senior citizensa ECQ at GCQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.