206 immigration officers, negatibo sa COVID-19

By Angellic Jordan April 29, 2020 - 04:31 PM

agnegatibo sa COVID-19 ang nasa 206 tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sumalang sa rapid mass testing.

Sa ulat ni BI Medical Section Chief Dr. Marites Ambray, negatibo sa nakakahawang sakit ang 206 immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Hindi rin aniya tinamaan ng sakit ang karagdagang 150 BI employees sa tanggapan ng ahensya at seaport operation officers.

Binigyang prayoridad aniya ang mga BI personnel na nagtatrabaho sa paliparan at iba pang pantalan, at senior citizens na may mapanganib sa COVID-19 pandemic.

Ayon naman kay Grifton Medina, pinuno ng BI Port Operations Division, humiling pa sila na magsagawa ng panibagong batch ng pagsusuri para sa iba pang frontliners na nagtatrabaho sa paliparan.

TAGS: BI Medical Section, Dr. Marites Ambray, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BI Medical Section, Dr. Marites Ambray, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.