Ang CPD law na iniakda ni dating senador Antonio Trillanes IV ay nag-oobliga sa mga professional na kumuha ng Continuing Professional Development (CPD) units para sa renewal ng kanilang Professional Identification Card.
Para kay Duterte, hindi na kailangan bukod pa sa anti-professional ang CPD law.
Bagama’t sinusuportahan daw niya ang lifelong learning ng mga professional para lalong pag-ibayuhin ang kanilang kakayahan, dagdag-pahirap ang itinakdang requirements ng naturang batas.
Naniniwala ang kongresista na magagawang tulungan ang mga professional na makamit ang global standards sa ibang paraan nang hindi na sila kailangang pahirapan.
Hihingin ng Presidential son ang suporta ng mga kapwa-kongresista para matiyak na maipapasa ang kanyang panukala.
Magsisilbi na rin aniya itong pasasalamat sa professional frontliners na patuloy na nagseserbisyo sa bansa lalo na sa panahon ng krisis.