BREAKING: Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, 1,023 na; 48 ang nadagdag

By Angellic Jordan April 29, 2020 - 04:23 PM

Nadagdagan nang 48 ang bilang ng mga gumaling na pasyente sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (April 29), 1,023 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa.

28 namang pasyente ang pumanaw kung kayat ang COVID-19 related eaths sa bansa ay nasa 558 na.

Samantala, sinabi pa ng DOH na 254 ang panibagong napaulat na nagpositibo sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Dahil dito, sumampa na sa 8,212 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, DOH monitoring, Inquirer News, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, DOH monitoring, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.