2020 Bar exams, maaantala dahil sa COVID-19

Inanunsiyo ng Korte Supreme na maaantala ang isasagawang 2020 Bar examinations.

Sa inilabas na Bar Bulletin No. 11 ni Associate Justice Marvic Leonen, chairman ng 2020 Bar Examination Committee, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Maliban dito, ito ay bunsod din aniya ng social at economic disruption dulot ng COVID-19 pandemic na nagresulta sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

“This is to give the Court ample time to determine the necessary adjustments and to make adequate preparations for the safe and orderly conduct of the examinations,” dagdag pa ni Leonen.

Maglalabas na lamang aniya ng hiwalay na Bar bulletin sa June 2020 para mag-update ng update ukol sa 2020 Bar exams.

“The new schedule shall be announced in a separate bar bulletin by June 2020 when the current adjustments to the present pandemic becomes clearer. It shall definitely be held sometime in 2021,” sinabi pa nito.

Read more...