LOOK: Mensahe ni SC Chief Justice Diosdado Peralta sa mga nakapasa sa 2019 Bar exams
Nagparating ng pagbati si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa mga nakapasa sa 2019 Bar examinations.
Ayon kay Peralta, makita lamang ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga nakapasa ay nagsisilbi nang “reward” para sa ilang taong pag-aaral ng abogasya.
“But notwithstanding the seemingly stark manner which the Court announced the results of last year’s Bar Examinations, it is undeniable that the sight of your names in the list of passers serves as your just reward for years of dutiful study and hard work,” pahayag ng Punong Mahistrado.
Karapat-dapat aniyang matanggap ng mga nakapasa ang bagong tagumpay.
“You have earned the triumph of this moment; own it, for you have proven yourselves worthy of it,” aniya pa.
Umaasa naman ni Peralta na tatandaan ng mga bagong abogado ang araw ng kanilang pagpasa sa Bar exams para maitaguyod ang katapatan, patas at hustisya sa legal profession.
“Hurdling the Bar has set the stage for all of you to accomplish exceptional things; it is my hope that years from now, after you have made your mark as lawyers, you will look back on this day not only with gratitude, but also with a renewed sense of commitment towrds upholding truth, fairness, and justice within the legal profession. May you all always give your best to your country, to your fellow Filipinos, and to God,” dagdag pa nito.
Sa 7,685 examinees, 2,103 ang nakapasa sa 2019 Bar exams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.