Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela 95 na
By Dona Dominguez-Cargullo April 29, 2020 - 12:31 PM
Umabot na sa 95 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.
Ang isang nadagdag na pasyente ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng Valenzuela ay isang 49 anyos na lalaki na frontliner.
Inabisuhan ang mga residente na agad makipag-ugnayan sa City Health Office kung nakararamdam ng sintomas.
Maaring tumawag sa COVID-19 emergency hotlines na 8352-5000 at 137-160.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.