Radyo at TV dapat gamitin ng DepEd sa home schooling ayon kay Sen. Win Gatchalian
Dahil wala pang kasiguruhan ang pagbubukas muli ng mga klase sa Hunyo bunga ng COVID-19 krisis, nais ni Senator Win Gatchalian na gamitin na ang radyo at telebisyon para sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Binanggit ni Gatchalian na nasa prangkisa ng mga radyo at TV na 15 porsiyento ng kanilang airtime ay dapat ilaan sa pagtuturo.
Inihalimbawa pa nito na maaring alas 10:00 ng umaga ay iere ang mga aralin pang-elementarya at pagsapit naman ng alas 2:00 ng hapon ay ang pagtuturo naman sa mga high school students.
Ayon kay Gatchalian sa halip na kung ano-ano ang pinanonood sa telebisyon ng mga mag-aaral, makakabuti pa sa kanila kung aralin nila ang kanilang panonoorin.
Aniya kailangan lang ay asikasuhin ng DepEd ang scheduling ng pagtuturo at kikilos na rin ang National Commission on Children’s Television na matagal na rin panahon na tila nabalewala.
Binanggit nito na nang mag-lockdown sa China at Hong Kong, ipinagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata gamit ang internet ngunit batid ng senador na hindi lahat ng Filipinong mag-aaral ay may computer sa bahay kayat hindi ito uubra sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.