Dagdag na P1,000 pension ng mga senior citizen pinamamadali na ng Malakanyang sa SSS

Kinakalampag ng Malakanyang ang Social Security System (SSS) na madaliin na ang pagbibigay ng dagdag na P1,000 pension sa kanilang mga pensioner.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para mabigyan na rin ng ayuda ang mga senior citizen habang may kinakaharap na krisis na pangkalusugan ang bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na inagahan na ng SSS ang pagsasagawa ng actuarial valuation kaysa sa orihinal na shedule para mapadali ang pagbibigay ng dagdag pension.

“Ang sagot po ay gumagawa po daw sila ng mga actuarial valuation na mas maaga kaysa doon sa kanilang original schedule para tingnan po kung kailan maire-release iyong 1,ooo na iyan. Huwag po kayong mag-alala, kinakalampag din po natin ang SSS diyan,” ayon kay Roque.

Pinag-aaralan na rin aniya ng palasyo kung maaring maisama sa social amelioration program ang mga SSS pensioner na tumatanggap lamang ng P1,000 pensyon kada buwan.

 

 

 

 

Read more...