PNoy at dating Sec. Leila de Lima, mistulang bagong love team
Mistulang may namumuong pagtitinginan kina Pangulong Benigno Aquino III at dating Justice Sec. Leila de Lima.
Kinilig ang mga taong kanilang hinarap sa Iriga City dahil sa mga pasimpleng puri ni Pangulong Aquino kay De Lima habang nasa entablado.
Napuna kasi ni Pangulong Aquino ang aniya’y pag-payat ni De Lima mula nang huli silang nag-kita, habang ang dating kalihim ay natatawa habang siya ay nasa kaniyang upuan.
Pinutol pa ni PNoy ang kaniyang talumpati, para lang sabihin na nag-dala siya ng pasalubong na isang kahon ng tsokolate para kay De Lima at inabot pa ito sa kaniya.
Nang bumalik siya sa podium, nakatingin pa rin ang pangulo kay De Lima at sinabing mistula na siyang lalaban sa Binibining Pilipinas ngayon.
Hiwalay na sa asawa si De Lima at may dalawang anak, habang si Pangulong Aquino naman ay nananatiling binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.