Tondo sunod na isasailalim sa hard lockdown
Ang Tondo ang sunod na isasailalim sa hard lockdown sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maaring gawin ito sa May 3 at 4.
Ito ay dahil sa dumarami ring kaso ng COVID-19 sa Tondo.
Sa pinakahuling datos ang Tondo 1 ay mayroong 81 kaso ng COVID-19 habang ang Tondo 2 ay mayroong 51 kaso.
Sinabi ni Moreno na masusing inaaral ang pagpapatupad ng lockdown sa Tondo dahil bahagi nito ang Divisoria area.
Sa Divisoria humahango ng panindang gulay, isda at karne ang 17 Pamilihang Bayan sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.