88 personnel at pasyente ng NCMH positibo sa COVID-19

Walumpu’t walong staff at mga pasyente sa National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay NCMH chief Roland Cortez, sa nasabing bilang, mayroon nang 11 empleyado at 1 pasyente na naka-recover.

Sa ngayon, mayroon pang 71 NCMH personnel at 17 pasyente ang nagpapagaling pa sa sakit.

55 staff na positibo sa sakit ang sumasailalim sa home quarantine at ang iba pa ay naka-admit sa ibang mga ospital.

Bagaman patuloy na tumatanggap ng psychiatric patients ang ospital, sinabi ni Cortez na limitado muna ang admission sa mga severe cases.

Read more...